Ilang araw na ang lumipas mula nang makabalik si Dylan mula sa misyon nito pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanatag ang loob ni Aleesha. Iyon ay dahil noong umuwi si Dylan ay nakabenda ang katawan nito dahil sa tamang natamo nito. ang masama pa ay nagpalipas muna pala ang kasintahan ng ilang araw sa condominium nito bago umuwi sa mansion nila sa Tagaytay upang magpagaling. Ang dahilan ng binata ay ayaw nitong magulat ang anak nila kapag umuwi itong sugatan at baka magalit si Aleesha. Ngunit ang ikinagalit ni Aleesha ay ang pagtatago ni Dylan sa kanya tungkol sa tama nitong natamo dahil lalo lang siyang nag-aalala kapag may sugat si Dylan at hindi siya ang nag-aasikaso. Kung hindi pa siya tumawag sa kanyang Tito John ay hindi pa malalaman ni Aleesha ang sitwasyon ng kasintahan. Nan

