Third Person's POV Papungas-pungas na bumangon si Grey. Inabot nang madaling araw ang shooting nila kaya naman alas tres nang hapon ng siya ay magising. Naalala niyang may usapan pala silang magkikita ni Lindsey, sasamahan niya ito sa event kung saan ay guest ito. Alas siyete pa naman ang nasabing event kaya marami pa siyang oras. Nagpa-deliver na lang siya ng makakain. Ilang minuto lang ay dumating na ang Japanese food na kanyang in-order. Nakaramdam siya ng matinding gutom ng maamoy ang mabangong pagkain habang nilalabas ito isa-isa sa plastic, ipinatong niya ang mga iyon sa lamesa. Kumuha muna siya ng bottled water sa ref at pagkatapos ay naupo na, tinanggal ang wooden chop sticks sa papel na lalagyan pinaghiwalay ang mga iyon at sinimulan ng kumain. Sobra ang gutom niya, alas nuebe