Third Person's POV "Architect Ramon Frio?" alanganing tanong ni Zaida sa gwapong lalake at may magandang pangangatawan na nakaupo sa pandalawahang lamesa sa Rose Cafe. Buhat sa pagkakatitig sa kanyang lap top ay agad naman nitong iniangat ang mukha upang mapag-sino ang nasa kanyang harapan. Nagulat pa ito nang mabungaran ng kanyang mga mata si Zaida. Saglit itong natigilan na para bang napapaisip, maya'y ipinilig nito ang ulo. "Ms. Flores! Ms. Zaida Flores?" paniniguradong tanong nito na tinanguan naman ni Zaida. Agad itong tumayo at inilahad ang kanang kamay sa kanya para makipag-shake hands. Maagap na tinanggap naman niya iyon. Medyo napatingala si Zaida dahil sa may katangkaran pala ito. Kung huhulaan mo ang kanyang trabaho o propesyon at ibabase mo sa kanyang physical appearance