Third Person's POV "Where have you been?" "Huh!" Nagulat si Zaida. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kanyang kuwarto ng may bigla na lang siyang narinig na nagsalita buhat sa kanyang likuran. Pumihit siya paharap sa pinanggagalingan ng tinig at ang madilim na mukha ni Grey ang sumalubong sa kanya. Nakahalukipkip pa ang mga kamay nito habang nakasadal sa sementadong dingding. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit siya nito tinatanong dahil alam naman nitong sa trabaho siya nanggaling. At kailan paba ito nagkaroon ng interes na alamin ang mga whereabouts niya? Hindi naman ito ganito rati. Nagkasundo naman silang hindi pakikialaman ang isa't-isa. Bumuntong hininga muna siya nang malalim bago nagsalita. "I came from work," sagot niya sa tanong nito kahit hindi naman na kailangan saguti