Third Person's POV Katulad ng ipinangako ni Zaida kay Florie pagkatapos niya sa trabaho ay agad na siyang dumiretso sa mansiyon nito. Nadatnan niya ang kaibigan sa dinning room kasama si Leny. Maraming masasarap na pagkain ang nakahain sa lamesa at maganang kumakain ang dalawa. " Bakit naman hindi kayo nanghihintay?" kunwari ay nagtatampong tanong niya sa mga ito. " Tse! Kumain ka nalang d'yan kung gusto mong kumain. May kasalanan kapa sa'min kaya 'wag mong i-expect na magiging mabait kami sa'yo at iwe-welcome ka namin with open arms matapos mo kaming paglihiman. Kami na mga kaibigan mo sa hirap at ginhawa," panunumbat sa kaniya ni Florie. Agad niya itong niyakap buhat sa likuran. "Sorry na! Hindi ako nagsabi sa inyo kasi ayaw niyo naman kay Grey. Naisip ko kapag nagtapat ako sa inyo