Third Person's POV Dahil sa mga tinamong sugat at pasa ni Grey buhat sa nangyaring engkwentro sa pagitan nila ni Luther kagabi ay ipina-cancel muna niya ang lahat ng kanyang commitments. Bilang isang artista, ang mukha at katawan niya ang kanyang puhunan at hindi siya maaaring mag-trabaho sa ganoong itsura. Kagabi ay dumiretso siya sa kanilang ancestral house. Hindi siya sumama kay Mindy para magpa-ospital. Mas lalo pang lalaki ang issue kapag may nakakita sa kanyang mga reporters o kahit sino pang tao sa ganuong kalagayan. Bihira na lang ngayon ang taong walang cellphone kaya halos lahat ay maari siyang makuhanan ng larawan at ma-video-han ng patago. Lahat ay may kakayahan nang makapag-post ng tungkol sa mga sikat na tao para siraan ang mga ito sa social media kahit hindi naman nila