Third Person's POV "Ms. Zaida, there's someone outside who wants to give you something." Agad siyang napalingon sa kaniyang sekretarya. "Who's that and what is it?" tanong niya rito. "Napag-utusan lang daw sila, Ms. Zai." "Okay, sige papasukin mo na lang." Tumango naman ito at pumihit na palabas ng silid. Napaawang ang bibig niya ng may tatlong babaeng pumasok sa loob ng opisina niya na may hawak na paper bag, kilalang-kilala niya ang tatak ng mamahaling brand na iyon. May bitbit na tig-apat na paper bag sa bawat kamay ang mga ito. "Ms. Zaida Flores, may nagpapabigay po ng mga ito sa inyo. Kilala n'yo na raw kung sino s'ya," sabi ng isa sa may bitbit ng mga paper bags. "Okay, thank you very much sa inyo," pasalamat niya. "Pakilapag na lang ang lahat ng iyan sa sahig," utos