Third Person's POV Nagmamadali ang kanyang mga hakbang, isang poject na naman ang ipinagkatiwala sa kanya ng KT Entertainment hindi siya maaring ma-late sa kanilang meeting. Hindi niya inaasahang nag-alok pa ng breakfast ang kanyang kliyente na hindi niya nagawang tanggihan kaya naman hindi siya nakarating ng mas maaga. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Five minutes before the exact time of meeting. Huminga muna siya ng malalim upang mabawasan ang tensiyon bago buksan ang pinto ng conference room at tuluyang pumasok sa loob. Tulad ng kanyang inaasahan ang KT Entertainment Content Groups ay kumpleto para i-discuss sa kanila ang bago nitong proyekto. Ngunit, ang hindi niya inaasahan ay makita si Mindy Imperial na naroon, pagpasok palang niya ay napahalukipkip na ito, taas ang is