Third Person's POV Kinuha ni Zaida ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa mahabang sofa at mabibilis ang mga hakbang na sinundan ang asawa. Lumabas ito ng bahay at pumasok sa loob ng van na nakaparada sa malawak na garden. Nakatingin lang sa kanya ito na para bang inip na pinagmamasdan ang mga kilos niya. "What are you waiting for? Hop in!" inis na utos nito nang mapansing hindi siya kumikilos at nakatayo lang sa harapan ng sasakyan. Tumalima naman siya at agad naupo sa tabi nito. "Manong, let's go," ani Grey sa kanyang family driver. Wala silang imikan sa sasakyan. Patungo sila sa ospital para sunduin si Yanis. Nakapikit ang mga mata ni Grey at siya naman ay nakikiramdam lang dito. Magkatabi sila sa upuan ngunit napakalayo naman nila sa isa't-isa, kasya pa nga ang isang tao sa ka