Third Person's POV " Zaida! Nasaan ka ba? Kahapon pa kita hinahanap?" tanong ni Leny sa kabilang linya. Tinawagan na niya ito dahil kahapon ng pumunta siya sa shop nito ay hindi niya ito inabutan doon. Alas siyete nang umaga ng tawagan niya ang kaibigan. Gusto niyang makasigurado na nasa shop na si Zaida bago siya magtungo roon. "Ahhh... nag-out of town lang ako," wala pang ganang sagot niya. Nagising si Zaida sa tawag na iyon ni Leny. Masakit ang ulo niya dahil sa kalasingan. Pati ang katawan niya ay masakit rin lalo na ang kaniyang mga binti, hita at ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita. Hindi niya maalala ng husto ang nangyari kagabi at hindi niya alam kung bakit sumakit ng ganoon ang kaniyang katawan. Nagising narin si Grey sa tabi niya ng marinig siyang nagsalita. Humalik ito sa