Third Person's POV "Akala ko si Dane lang ang malandi na tumakas sa BFW no'ng gabing 'yon, isa karin pala. Bongga! Magka holding hands pa talaga habang lumalabas ng event hall. Trending topic talaga ang pag-exit niyo sa BFW. Hindi maka-move on yung mga fans ni Grey sa issue na'to. Paano ba naman si Lindsey ang girlfriend tapos ikaw ang nakita nilang kasama sa event, ang dami tuloy nag-especulate na may relasyon kayo." ani Leny habang ipinapakita kay Zaida ang mga larawan nila ni Grey na umaalis ng event hall na ngayon ay naka-post sa lahat ng social medias. "Wala naman kaming ginawang masama, na-bored si Grey sa BFW at nagyayang kumain sa labas," paliwanag niya sa kaibigan. " Yung totoo, may relasyon ba kayo ni Grey?" naninigurong tanong nito na mariin naman niyang itinanggi. " Wala..