Chapter 44 Hindi na mapakali si Royce sa may labas ng simbahan kaya humingi sya ng sigarilyo sa bodyguard niya at sumindi ng isa. Daig pa niya ang isang celebrity na ikakasal sa dami ng tao na nag-aabang sa labas. Nakalive telecast pa ang kasal niya at ipalalabas sa local channel istasyon nila. Sa reception hall ng cathedral ay may libreng pakain para sa mga tao na nag-aabang pagkatapos ng ceremony. Lahat pwede, walang mahirap, walang mayaman. "Royce, it's bad for you," Hinawakan ng Mommy niya ang braso niya nang mag-umpisa syang humithit-buga ng sigarilyong hawak niya. He looked at his mother saka niya isinampa ang isang paa sa flower box at ibinuga ang usok ng sigarilyo paitaas. Ayaw niyang magmukhang tensed pero kinakabahan sya. And f**k for this s**t! Umiling sya. "Just one stic