Addilyn's pov Isa't kalahating taon na ang lumipas simula ng gumraduate kami at kinasal na ako kay Aizel. CEO na siya ngayon sa kompanya ng parents niya at ako naman ay nag papatakbo ng coffee shop at sa tulong ni Riley ay napalago ko ito. Habang busy ako sa pag s-serve ng mga orders dahil day off ng iba kong empleyado ay biglang dumating sila Riley. "Hey girl! Mukhang busy ah" "Konti lang kasi yung empleyado ko, tas andaming costumers" "Konti? Diba marami yung nakuha natin?" "Oo. Pero, day off nila ngayon eh" "Teka, tulungan ka namin" tumango ako at kinuha nila ang hawak ko tsaka binigay sa mga costumers. *Few hours later* Natapos na ang trabaho ko kaya umuwi nako. Pagkarating ko ng bahay ay wala pa ang kotse ni Aizel. "Magandang gabi, hija" bati ni manang sakin. "Hi po manang