Addilyn's pov Sabado ngayon at nag bihis ako ng ripped jeans at nag tuck in ng off shoulder na damit at nag suot na rin ng white shoes. Mag kikita kasi kami ngayon ng mga senior highschool classmates ko. Wala dito si Aizel at di ko alam kung sang lupalop napadpad ang lalaking yun. Sumakay nako sa kotse ko at nag maneho na papunta sa coffee shop na pag mamay ari ng kaibigan ko. *Few minutes later* "Trixie!" sigaw nila ng makapasok ako sa shop. "Oh my! Namiss ka namin!" agad nila akong niyakap at nag tatatalon pa sa tuwa kaya pinag titinginan na kami ng mga tao. "Huy, nakakahiya. Tumigil muna kayo" bulong ko. "Dun tayo sa opisina ko mag chikahan!" natatawang sambit ni Riley na may ari ng shop na ito. Hinila niya kaming tatlo papunta sa isang kwarto at may coffee table dun na may mga