Chapter 5

939 Words
Addilyn's pov Maaga akong nagising at naligo nako at nag bihis ng uniform. Bumaba nako at nagluto ng almusal at kumain na rin. Natapos akong kumain pero hindi pa rin siya nababa. Medyo nag alala ako kaya inakyat ko siya at pag pihit ko ng doorknob ay sumilip muna ako at nakita ko na parang binagyo ang kwarto niya. Sobrang kalat parang nag wala siya dito. Speaking of him, nakita ko siya sa sofa tulog at may hawak pang bote ng alak. Bumuntong hininga ako at dahan dahang sinara ang pinto. Bumalik ako sa kusina at pinag timpla siya ng kape. Nag lagay na rin ako ng note na inumin niya yun at paalis na sana ng bigla siyang bumaba. Gulong g**o ang buhok niya pati ang damit niya ay puro gusot. "You didn't leave?" tanong niya. "M-mauuna nako sa university. M-may kape diyan at nagluto na rin ako ng pagkain mo. K-kung hangover ka pa rin, w-wag ka munang p-pumasok" naiilang kong sambit at iniwan siya dun. Nakarating ako sa university at nag lalakad ako sa hallway ng biglang may nag takip ng mga mata ko. Narinig ko ang palihim niyang pag tawa kaya nakilala ko na kung sino ang nasa likod ko. "Aiden!" natatawa kong saad. "Hindi!" pag iiba niya ng boses. "Wag ako Aiden! Ikaw lagi kong kasama! Kilala na kita!" saad ko at tinanggal ang mga kamay niya. "Daya ah! Bat ako di pa kita kilala pag ginaganyan moko?" nakanguso niyang sambit. Ang kyut niya hahaha! "Ewan ko sayo! Siguro matalas lang talaga ang sense ko" pang aasar ko at ginulo ang buhok niya. "Ay grabe ginulo talaga buhok ko!" saad niya na mas lalong ikinatawa ko. "Aiden!" sigaw ko ng bigla niyang kinuha ang libro ko sabay takbo. "Hoy Aiden akin na yan!" "Habulin mo muna ako!" natatawa niyang sambit kaya hinabol ko siya. Wahhh! Pinag titinginan kami ng mga tao! "Aiden!" inis kong sigaw habang hinahabol siya. "Hahaha! Ang bagal mo!" sigaw niya at patuloy pa rin siya sa pag takbo. Patuloy kami sa pag hahabulan ng bigla kaming hinarang ng mga kaibigan ni Aizel. "Bakit?" tanong ni Aiden sa kanila habang ako naman ay nag tatago sa likod niya. Tinignan nila ako kaya napalunok naman ako bigla. "Pinapatawag ka ni boss" biglang sambit niya sakin. Boss? "S-sino?" tanong ko pero hindi sila sumagot. "Mga tol, tinatakot niyo lang yung kaibigan ko eh. Addi, halika na" saad ni Aiden at hinawakan ang kamay ko. Paalis na sana kami ng bigla namang hawakan nung lalaki ang kabila kong braso. "Bitawan niyo nga siya!" sigaw ni Aiden. "Sino ka para sundin namin?" madiing tanong nung lalaki. "A-aray ko! B-bitawan niyo ko!" sigaw ko. "Sumunod ka na lang samin" saad niya sabay hila sa akin kaya nabitawan ako ni Aiden.  "Addi!" sigaw niya pero hindi makatakbo papalapit sakin dahil epal tong mga lalaking toh at pinag tutulungan siya. "Hoy tigilan niyo si Aiden!" sigaw ko habang hinihila nila ako palayo. Hindi nila ako pinakinggan at kinaladkad papunta sa parking lot and there, I saw him leaning his back on his car. Binitawan nila ako at halos hindi ako makagalaw. Hindi siya kumikibo at nakapamulsa lang siya habang nakayuko. "Where do you think you're going?" napatigil ako sa pag hakbang palayo ng bigla siyang mag salita. "A-aizel?" "Diba sabi ko, lumayo ka kay Aiden. Mahirap bang intindihin yun?" madiin niyang sambit. "A-aizel---" "Gusto mo talaga yung ginagalit ako eh" saad niya sabay angat ng ulo. "Sige pag bibigyan kita" sa sobrang takot ko ay napatakbo na lang ako. Lumingon ako at hindi ko naman siya nakitang sinusundan ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa... "Ouch!" sigaw niya at sabay kaming bumagsak sa sahig. "Watch where you're going, b*tch!" sigaw niya ng tulungan siya ng mga kaibigan niya na tumayo. "I-I'm s-sorry" "Are you blind?!" sigaw niya sa mukha ko. "N-no. I'm sorry. I-I'm not looking where I'm going" "Then you're stupid" "Ughh! The juice is all over me!" sigaw ng kasamahan niya. "Blame her. She's the one who made me do it!" sigaw nung nakabangga ko. Nilapitan naman ako ng babaeng natapunan ng juice at sabunot at sampal ang natanggap ko. "You're so idiot!" sigaw niya at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. Sunod naman na ginawa nila ay tinapunan ako ng juice sa ulo at binato pa sakin ang plastic bottle. "Ouch! P-please s-stop!" pag mamakaawa ko. "Do you know how much is this uniform?! Then you'll just ruined it!" sigaw niya. "I-I didn't mean it. I-it was an accident" "Tsk. Whatever. Give me that" sigaw niya at maya maya lang ay naramdaman kong may tubig na tinapon sa ulo ko. Grabe ah... Di pa ba sapat yung juice?! Nakita ko ang pag dating nila Aizel at umaasa akong tutulungan niya ako pero nginisian niya lang ako sabay alis. Walang kwenta. Matapos nila akong alipustahin ay umalis na sila at pinag titinginan na ako ng mga estudyante. Yung iba ay kinukuhaan ako ng litrato at yung iba naman ay kung makatawa ay parang wala ng bukas. Tumayo ako mula sa sahig at tumakbo palabas ng school. Dumeretso ako sa kotse ko at umalis na. Hindi ako uuwi ng bahay. Dederetso ako sa condo ko. *Few minutes later* "Ma'am, ok lang po kayo?" tanong sakin ni kuya guard. "Uhm, opo kuya ok lang po ako" tumango siya kaya pumasok nako sa loob. Pagkarating ko sa unit ko ay buti na lang at nasa bag ko ang key card ng condo ko. Binuksan ko na ang pinto tsaka pumasok. Hindi muna ako papasok sa school. Ang laking kahihiyan ang nangyari sakin. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD