Umalis ako ng hospital at umuwi sa bahay namin ni Z. May kailangan lang akong puntahan para malaman kung nasan ang sabrina na yon kailangan niyang magbayad sa lahat ng ginawa niya. Umakyat ako sa kwarto namin, at kumuha ako ng dalawang pistol na may silencer na tinago tago ko sa maraming taon dito sa kwarto namin ni Z. Hindi niya alam yun dahil im sure magagalit siya kapag nalaman niya to. Kakapusin na kami sa oras kapag hindi pa namin matutunton ang lungga ni sabrina may nadamay na at ayokong may isusunod pang biktima. Kailangan ng tapusin ang larong sinimulan niya. At ako mismo ang tatapos. Nagbihis nako ng white sando na pinatungan ng itim na leather jacket, at jeans na pinaresan ng boots, naglagay na rin ako ng gunpocket para sa dalawang pistol ko at nang maraming bala. Ang b

