Kinabukasan nagising siya sunud-sunod na ring ng kanyang cellphone na daig pa ang alarm lock. Inis niyang kinapa ang cellphone na nasa side table. Nakita niyang si Angelo ang tumatawag sa kanya ng ganito kaaga. Alas siyete palang ng umaga. Napuyat pa naman siya sa kakaiisip ng kung anu-ano sa kanila ni Grey kaya nais niyang matulog ng mahaba ngayon, iyun lang naistorbo na naman siya ni Angelo. "Sh*t!" Hindi niya napigilang mapamura dahil naiinis na siya sa panggungulit ni Angelo. Kagabi pa ito tawag ng tawag sa kanya, pero ni isa sa mga tawag nito wala siyang sinagot. Nag send rin ito ng sandamakmak na message sa kanya, hindi naman niya binabasa ang mg ito at hindi rin siya nag re-reply. Isa lang ang nabasa niya at iyon nga iyung andito daw ito sa Europe. Ewan ba niya kung ano ang gusto

