"Hanggang kailan ka magtitiis sa ganito Esha? May sarili kang buhay, pero anong ginagawa mo? Nakakulong ka sa pag-aalaga diyan sa asawa mo!" Galit na saad ng Mommy niya nang makipagkita ito sa kanya sa hotel. Iniwan pa nga niya saglit si Grey sa opisina nito para babain ang Mommy niya na dumayo pa ng San Sebastian para lang sermonan siya sa napili niyang buhay. "Mommy masaya po ako," she said. Iyon naman ang totoo masaya siya sa piling ni Grey, hindi nga niya namamalayan ang sinasabi ng Mommy niya na nakakulong siya, dahil sa bawat araw na magkasama sila ni Grey ay masaya ang kanyang pakiramdam pati na ang puso niya. "Gumising ka nga Esha!' Saway ng Mommy niya sabay hampas sa balikat niya. Ganito naman talaga ang Mommy niya mula nang maikasal sila ni Grey. Lagi siyang pinagsasabihan nit

