After 3 months "I am happy for you, Mr. Grey Saavedra, you are now fully recovered. Wala ka ng hindi makakayang pang gawin," saad sa kanya ng doctor na nag-aalaga sa kanyang naging kondisyon mula nang umuwi sila ni Esha sa San Sebastian galing Europe kung saan siya naaksidente. "Thank you so much Doc, without your help, I won't make it," he said. Malaki ang pasalamat niya sa mga doctor, therapist at lahat ng tumulong sa kanya para bumalik siya dati, at ngayong magaling na magaling na siya nakakalakad na siya ng maayos, malaya na siyang nakakakilos, pakiramdam niya bumalik na talaga siya sa dati niyang lakas. Although pinag-iingat pa rin siya ng mga doctor sa kanyang kilos. Hindi niya pwedeng biglain ang kanyang sarili lalo na sa pagbubuhat ng mga mabibigat at muling pagbabalik sa gym. Pi

