Pag alis ng Mommy niya agad niyang pinaghanda ng pagkain si Grey. Hindi na lang niya muna inintindi ang mga sinabi ng Mommy niya, siya pa rin naman ang masusunod ngayon at wala siyang balak iwan si Grey sa ganitong kalagayan nito. Mananatili siya sa tabi ni Grey ano man ang mangyari. Kahit pa itaboy siya ni Grey hindi siya aalis sa tabi nito. Hindi niya inasahan ang mga sinabi ng Mommy niya, na para bang isa ng walang kwentang tao si Grey ngayon dahil lamang sa hindi ito makalakad. Hindi niya alam kung paano nagawang sabihin sa kanya ng Mommy niya na basta na lang niya iwan si Grey na ganun-ganon na lamang. Wala siyang sinagot sa ina, hahayaan na muna niya ito ngayon, marami pa kasi siyang mas dapat asikasuhin kesa sa sinabi ng ina. Bitbit ang tray na may lamang pagkain lumakad siya patu

