Habang nanonood siya sa karerang ginagawa ni Grey hindi siya nag e-enjoy dahil nakakaramdam siya ng takot para rito. Delikado kasi ang mga stunt na ginagawa nito at ano mang oras ay pwede itong madisgrasya. Ito marahil ang dahilan kung bakit ayaw na ng mga magulang ni Grey na pabalikin pa ito sa Europe, hindi kasi biro ang sports na nahiligan nito, pwede nitong ikamatay ang pakikipag karera. Marami na siyang nabalitaan na ganito, kaya dapat lang na itigil na ni Grey ang ganitong laro. Kung sana magpapakasal sila nito dahil mahal nila ang isat-isa pwedeng-pwede niyang sabihan ito na itigil na pakikipagkakera, iyun nga lang kasunduan lang ang lahat sa kanila ni Grey, kaya wala siyang karapatan para pagsabihan ito kahit pa sabihing kasal sila o mag asawa sila. Makailang beses nga siyang halo

