Jasmine Red POV* Napamulat ako at nasa isang magandang kwarto ako. Agad kong inilibot ang paningin ko. Teka ano ba ang nangyari bago ako nakatulog? Tama nasa island kami at mukhang nandito kami sa mansion. Ito na ba ang kwarto namin ni Ton-Ton dito? Ang ganda naman ng kwartong ito. Teka asan na ba ang asawa ko? Dumiretso ako sa banyo at naligo. Habang nasa bathtub inaalala ko ang mga nangyayari kahapon nang matigilan ako nang makaramdam ako na parang kinurot ang puso ko. Nagbihis ako at malalim pa din ang iniisip ko nang biglang tumulo ang luha ko. Kinunekta ko ang lahat nang nasa isipan ko hanggang sa maalala ko yung hindi pag agree ng mga magulang ko sa relasyon namin ni Ton-Ton. Teka kung di sila agree ibig sabihin... Tumakbo ako papuntang bintana at agad ko yung binuksan at na

