GABI na nang makarating sina Kenji at Zarina sa Rancho Del Fuego. Halos hindi na nila magawang kumain dahil sa pagod. Naghihirap ang kalooban ni Zarina habang inaalala ang kalagayan ni Renzo. Naisip niya, wala naman sana sa sitwasyong iyon si Renzo kung hindi dahil sa kanya. Inuusig na naman siya ng konsensiya niya. Wala siyang ganang kumain habang kasalo nila sa hapunan si Zandro at Margareta. Kanina pa pinag-uusapan ng mga ito ang tungkol sa diablong namamahay sa katawan ni Renzo. Kasama sa usapang iyon si Zardum na nasa katawan ni Kenji. Nakikinig lamang siya habang nagsasalita si Zardum sa pamamagitan ng katawan ni Kenji. "Nahihirapan si Herma na kontrolin nang buong laya ang katawan ni Renzo sapagkat lumalaban ito. Malakas ang kaluluwa ni Renzo kaya may pagkakataon na nadadaig niya