“SAAN ANG bahay nyo?”
Nilingon ni Sasha si Raiden na nasa harap ng manibela nang magtanong nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang kahihiyang inabot kanina sa harap ng mga pulis. Nagpaliwanag naman si Raiden sa mga ito na hindi siya ang itinawag nitong snatcher. Pero nagpapaulit-ulit pa rin sa isip niya ang mga eksena kanina. Bakit ba kasi minsan talaga e hindi siya makaiwas sa mga nakakahiyang sitwasyong tulad niyon?
“Ano kamo?”
“Saan ang bahay nyo?” tinatamad nitong ulit sa tanong.
“Bakit mo tinatanong?”
“Ikaw na lang ang maggamot sa akin kung talagang nag-aalala ka sa akin. Alam kong iyon ang kanina mo pa iniisip kaya wala kang imik diyan.”
Napasimangot na lang siya. Ito pa ang isang walang kunsiderasyon. Kung hindi siya nagkakamali, siguradong lihim na siyang pinagtatawanan nito.
“Pangit ang bahay namin.”
“Nanggagamot na ba ngayon ang mga bahay?”
Pilosopo pa ang kumag! Nakakainis! Ni hindi man lang siya mabigyan ng kahit konting pansin na, hello, may trauma pa siya sa mga nangyari kanina. Well, okay, so she was a bit bluffing. Hindi naman siya na-trauma. Pero sana, naging considerate man lang ito at inalo siya kahit labas sa ilong.
Napansin niyang huminto ang sinasakayan nila sa gilid ng kalsada. Nilingon niya ang binata na basta na lang inabot ang kanyang kamay at ininspeksyon braso niya.
“A-ano bang ginagawa mo?”
“Huwag kang magulo.” He continued looking at her arms. At nang marahil ay hindi makita ang hinahanap sa kanyang braso ay saka lang siya nito binalingan. “Are you hurt?”
“Ha?”
“Did those thugs hurt you when they took your bag?”
“Ahm…no.” Nahihilo na naman siya sa mga biglaan nitong pagbabago. “Hindi naman nila ako nasaktan…”
Tumango-tango lang ito. And then he gave out a sigh. A sigh of relief? Kung ganon ay nag-aalala rin ito sa kanya? Nang ma-realize niya iyon, unti-unti ng sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi. Ang sarap sa pakiramdam niya ng kaalamang iyon. Lalo na nang mapansin niyang hawak pa rin nito ang kanyang kamay. And he was right, their hands fit perfectly together. Parang man and the barrel sa man-in-the-barrel ng Baguio. Ay, tama ba? Basta, ‘yun na iyon.
“Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” tanong nito saka binitiwan na ang kanyang kamay nang muling binuhay ang makina ng kotse. “Sabihin mo kung saan ka nakatira bago pa ako maubusan ng dugo dito.”
“Hmm, ang OA mo naman, Raiden.”
Ang sama na ng mukha nito nang balingan siya nito pagkatapos niya itong hampasin uli sa braso. Iniinda nga siguro nito ang natamong sugat.
“Sorry. Sige, diretso lang.”
**************************************************************
“HUWAG KANG magrereklamo sa bahay namin,” babala ni Sasha kay Raiden pagpasok nila ng maliit na sala ng kanilang bahay. “Kundi, ipapalapa kita sa aso naming galisin.”
“Galisin ba iyon? Akala ko imported. Kulay violet kasi ang kulay.”
Nilingon niya ito. Did he just make a joke? Probably not. Abala kasi ito sa pag-i-inspect sa kabuuan ng kanilang sala.
“Where’s your parents?”
“Um-attend ng El Shaddai prayer rally. Mamaya pa ang dating ng mga iyon. Dito ka lang at kukuha lang ako ng panlinis ng sugat mo. Huwag kang malikot. Antigo ang lahat ng mga gamit namin dito.” Lumangitngit ang sofa nilang kawayan nang maupo roon si Raiden. Napakunot lang ang noo nito. “Sign of antiquity iyan.”
Nagtungo na siya sa kanyang silid hinila sa ilalim ng kama niya ang medicine kit. Natutulog na sa double-deck ang dalawa niyang nakababatang kapatid. Mabuti kung ganon. Walang panggulo sa kanila ni Raiden. Napakadaldal pa naman ng mga ito. Pagbalik niya sa sala ay nakita niyang hawak na ng binata ang framed picture niya noong college graduation niya. Ibinalik lang nito iyon sa puwesto niyon nang makita siya.
“Ang pangit mo naman dito.”
“Buhusan kaya kita ng alcohol diyan at nang mangisay ka?” Naupo na siya sa tabi nito at nanggigigil na binuksan ang alcohol.
Umurong ito palayo. “I saved you.”
“Sinabihan mo akong pangit kaya quits na tayo. Hala, hubad.”
“Ang sabi ko, pangit ka sa picture. Wala akong sinabing pangit ka.” Binuksan na rin nito ang butones ng suot na polo. “Magkaiba iyon.”
“Okay, fine. Mali na naman…ako…” Nakatanga na lang siya sa sobrang excitement na makita ang katawan nito.
Batid niyang maganda ang katawan nito dahil ilang beses na rin siyang nadikit dito. He had a lean and sturdy body. She couldn’t wait to see abs and pectorals. Pero nabitin siya nang husto nang hindi nito ituloy ang pagbubukas ng shirt nito.
“Naalala ko, inaantok na pala ako.” Basta na lang ito humiga sa lumalangitngit nilang sofa. “Patulog muna dito.”
“Teka muna—“ Napilitan siyang tumayo dahil hindi sila halos magkasya roon sa laki nito. “Hindi ka puwedeng matulog dito. Ikukundena ako ng pamilya ko. At tsaka, hindi ko pa nalilinisan ang sugat mo.”
“I’m tired.” Ipinatong na nito sa noo ang isang braso nito at pumikit. “Do whatever you want.”
“Raiden—pssst! Hoy—“ Tinapik niya ito sa hita nito ngunit walang nangyari.
Mukhang tinulugan na nga siya nito. Siguradong malilintikan siya nito sa kanyang mga magulang. Konserbatibo pa naman ang iyon. Pipilitin pa sana niyang gisingin ang binata nang mapadako ang tingin niya sa sugat nito. Mukhang hindi naman malala ang lagay niyon. Pero para sa kanya, napakahalaga ng isinisimbolo niyon dahil iyon ang patunay na iniligtas siya nito. And he was hurt because of her. Kaya hinayaan na lang niya itong makapagpahinga. Ang kaso, kailangan pa rin niyang malinis ang sugat nito dahil baka tuluyan iyong maimpeksyon.
Hinila niya ang mesita at naupo roon paharap dito. Sinabi naman nitong gawin niya ang gusto niyang gawin, hindi ba? Napalunok siya saka pikit-matang inabot ang butones ng polo nito.
Dear Lord, malinis po ang intensyon ko kung bakit ko ito ginagawa. Sana mo bigyan Ninyo ako ng lakas upang labanan ang masamang espiritung sumasapi sa akin…Panay ang dalangin niya habang isa-isang binubuksan ang butones ng damit nito sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay. Kaya mo iyan, Sasha. You can do it. This is for the common good.
Sa wakas ay natapos na niyang buksan ang polo nito. When she finally opened her eyes, parang gusto na niyang maglaway. Behold! God’s gift to womankind! Ang ganda ng katawan nito. Ang kinis! Kaya nga nakakapanghinayang na makita ang sugat na iyon sa tagiliran nito.
“Hindi malilinis iyan kung tititigan mo lang magdamag.”
Sa gulat nang marinig ito ay aksidente niyang naibuhos sa sugat nito ang alcohool. Malakas itong napasinghap at napabalikwas ng bangon nang wala sa oras.
“Naku! Sorry! Sorry!”
Pinaypayan niya ng kanyang mga kamay ang sugat nito upang maibsan ang hapdi na dulot ng alcohol. It seemed like it wasn’t enough though. Dahil panay pa rin ang pagsinghap ni Raiden. Hinipan na rin niya ito.
“What are you doing?”
“Huwag kang malikot.”
“Sasha—“
“Sssh!”
“Anastasha!”
Napalingon siya sa pintuan kung saan nanggaling ang boses na iyon. At halos manlaki ang kanyang mga mata nang makitang nakatayo roon ang kanyang mga magulang. Nanlalaki ang mga mata ng kanyang ina habang hindi naman halos maipinta ang mukha ng kanyang ama. They must have thought she and Raiden was doing something fishy. Kunsabagay, sinong hindi mag-iisip ng masama kapag nakita siyang naka-upo sa harap ng isang lalaking halos h***d na ang pang-itaas. She stood up and closed Raiden’s clothes harshly.
“Pa, Ma, bakit kayo umeksena agad?” tanong ng kapatid niyang si Kelsey mula sa pinto ng kuwarto nila. Katabi nito si Mikan na nakangisi din.
“Hindi tuloy namin nakita ang pinakamagandang part.”
“Anong—“ Hinarap niya ang mga kapatid. “Ang ibig mong sabihin hindi kayo tulog ni Kelsey? At kanina pa ninyo kami pinapanood ni Raiden?”
“Oo.”
“Mikan, Kelsey, bumalik kayo sa kuwarto ninyo,” utos ng kanilang ama. “Anastasha, magpaliwanag ka. Ano ang ginagawa ninyo ng lalaking iyan dito sa pamamahay natin?”
“Pa,” singit ng kanyang ina. “Huwag mo ng ipa-explain. Baka himatayin lang ako.”
“Oo tama ka. Mikan, Kelsey, akin na ang bolo ko.”