Medyo natagalan kami sa banyo dahil ang daming tanong sa akin habang pinapaliguan ko siya. Nang matapos ay mabilis ko siyang binuhat at lumabas ng banyo at doon binihisan sa malapad kong kama " Mommy, where is my father?" Nagulat ako sa kanyang tanong. Hindi dahil sa wala akong maisagot. Kung tutuusin madali lang naman sabihin sa kanya na hindi ko kilala ang kanyang ama. Pero hindi ko lang alam kung paano sabihin sa kanya na hindi naman talaga ako ang Mommy niya kaya't wala rin akong ideya sa tinutukoy niyang Tatay. Napatitig muna ako sa bata ng matagal bago ako napabuntong hininga. Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang tiyan namin pareho kaya sabay kaming napatawa ng bata. "Let's go down, Mommy. I'm famished already." Ungot nito sa akin. " Alright, then lets go." Tumayo na a