Ilang taon na rin ang nakalipas mula ng umalis si Shine sa Pilipinas. Sa pagdaan ng panahon ay marami ang nangyari sa kanya at sa kanilang pamilya. Noong unang buwan ni Shine sa pamamalagi sa ibang bansa ay sobra itong nahirapan. Lalo pa at nag-aadjust pa ang katawan niya sa klima at sa mga pagkain dahil mahilig ito sa pinoy food kaya halos hindi siya makakain ng maayos. Dumagdag pang inaalagaan din niya si Zephyrine at siyempre dahil buntis din ako kaya mas lalo akong nahirapan kumilos kahit gumawa man lang ng sarili kong pagkain. Pero hindi naglaon ay nakasanayan ko na rin. Nang dumating si Sam dito para bisitahin ako at kasama nito si Ashley ay sadyang nagulat siya na magpaiwan ito para samahan siya para palakihin ang mga bata. Noong una ay tinanggihan niya si Ashley dahil baka mabu