Kasalukuyan kaming bumabiyahe papuntang opisina habang nagbabasa ako sa mga nauna kong proposal na ibinigay ko na last time kay Mr. Lim. Of course dinala ko rin ang mga dating ginawang mga proposal project ni Dad noon na itinago-tago pa niya roon sa kanyang drawer ng private office sa bahay. Gusto ko kasing malaman kung ano pa ba ang gusto niyang mangyari kung sakaling maitayo na ang malaking project na ito. Higit sa lahat baka may makita akong mga notes ni Dad o Journal na naisulat nito noon tungkol sa project. Hindi ko rin kasi alam kung ano ang pinakamalaking dahilan kung ano ang nagtulak kay Dad na gustuhin ang magpatayo ng Shopping Mall at kung bakit ganun na lang nito inasam-asam na matuloy ang pinangarap. Kung tutuusin marami naman ng nagkalat na naglalakihang mga malls dito sa