bc

FAKE RELATIONSHIP WITH THE BILLIONAIRE

book_age18+
103
FOLLOW
1K
READ
playboy
badboy
heir/heiress
sweet
like
intro-logo
Blurb

Sinundan niya ang kaniyang nobyo sa Manila, kahit na labis ang pagtutol ng kaniyang mga magulang dito. Pero ang masaklap, nadatnan niya ang kaniyang nobyo na may kalandiang babae. Hindi lang basta babae, dahil mismong pinsan pa niya.

Dahil wala sa sarili, pumasok siya sa isang kotse na nakaparada sa gilid ng kalsada. Akala niya ay taxi ito, ngunit hindi pala. Pagmamay-ari ito ng isang batang negosyante na naghahanap ng magpapanggap na nobya niya upang tigilan na siya ng kaniyang pamilya.

What if, alukin siya ng lalake kapalit ng pera at bahay na masisilungan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Nagising ako nang bumagal ang takbo ng bus. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na nasa toll gate na kami. Kulang isang oras, makakarating na kami sa Sampaloc terminal. Inaantok pa ako pero tiniklop ko na ang maliit na kumot na dala ko. Napakalamig kasi talaga itong bus kaya mabuti na lang at may dala akong maliit na kumot. Uminom ako ng tubig saka ngumuya ng chewing gum para naman fresh breath ako pagdating ko doon. Nagsuklay ako at naglagay ng polbo sa mukha. Naglagay na din ako ng lipstick na inarbor ko pa kay Teresa, ang kaibigan ko na kapatid ng aking nobyo na si Riley. Nang masiguro na maayos na ang aking mukha, inayos ko na ang aking mga gamit. Tiyak na galit na galit na ngayon sa akin sina Nanay at Tatay dahil sa ginawa kong pag-alis. Hindi na ako nagpaalam sa kanila, dahil hindi naman nila ako papayagan. Saka sino ba nanan ang maglalayas na magpapaalam. Mahigpit sila sa akin. Lahat na lang bawal kaya naiinis ako. Sakal na sakal na ako, mabuti pa si Riley, lagi niya akong naiintindihan. Kaya nakapagpasya ako na lumuwas na lang. Nasa legal na edad naman na ako, e. Hindi din naman ako mapag-aral nina Tatay, e di, makipagsapalaran na lang ako sa Manila. Hindi nila alam na may boyfriend ako. Sa edad kong nineteen, hinihigpitan pa din nila ako. "Sampaloc! Sampaloc!" sigaw nang konduktor nang huminto na ang bus sa terminal. Tumayo na ang ibang mga pasahero at isa-isang bumaba ng bus. Binitbit ko ang bagpack at ang sako bag na naglalaman ng aking mga damit. Ganito pala sa Manila. Kahit madaling araw, mainit pa din ang hangin. Luminga-linga ako sa paligid bago ko napagpasiyahang tumulak na papuntang apartment ng aking nobyo. Malapit lang iyon dito. Puwedeng lakarin. Naituro na sa akin ni Teresa kung paano pumunta sa apartment ng kaniyang kapatid. Hindi alam ni Riley na pupuntahan ko siya. Kinontsaba ko na din si Teresa tungkol dito. Tiyak na matutuwa si Riley kapag nakita niya ako. Limang buwan na din kaming hindi nagkikita, tiyak na mis na mis na niya ako. Lumiko ako sa may kanto. Tinignan ko ang pangalan ng street. Tama, ito. Hindi pa din naman ako naliligaw. Bukas na ang gate nang dumating ako. May ilang ilaw na ang ibang mga apartment. Kakatok na sana ako nang mapansin ko na hindi naka-locked ang pintuan ng apartment ni Riley. Pumasok ko at nilapag ang aking mga bag sa lapag. Nanlaki ang aking mga mata nang may marinig akong kakaiba mula sa pangalawang palapag. Hindi ako inosente kaya alam ko kung ano mismo ang aking narinig. Dahan-dahan akong umakyat sa itaas habang hindi maampat ang mabilis na t***k ng aking puso. Si Riley kaya iyon o ang kaniyang housemate. May kasama kasi siya dito, si Kuya Mond. Nakilala ko siya nang minsan na mag-video call sa akin si Riley. Habang paakyat ako, nagsimula ding manginig ang aking katawan sa labis na kaba. May dalawang kuwarto sa itaas. Ang isa ay sarado at ang isa naman ay bahagyang nakaawang. Hindi ko alam kung alin ang silid ni Riley sa dalawa pero umaasa ako na sana hindi sa kaniya ang kuwarto na nakaawang. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang palapit ako nang palapit sa may pintuan na nakaawang na una kong madadaanan. Palakas nang palakas ang mga halinghing na nagmumula sa dalawang tao. At hindi ko na kailangang sumilip pa para makumpirma ang lahat. Dinig na dinig ko ang malanding ungol ng babae at lalake. Dinig na dinig ko kung paano sambitin ng babae ang pangalan ni Riley. Nagsimulang manubig ang aking mga mata. Ang panginginig at pangangatog ng aking tuhod ay lumala pa. Napasandal ako sa dingding dahil nanghina ang katawan ko. Tahimik akong umiyak habang pilit na binabawi ang aking lakas. Nagtatalo din ang aking isip sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung aalis na lang ako, o aalis ako pero magpapakita muna ako kay Riley. Lumuwas ako para sa kaniya. Naglayas ako para makasama siya tapos ganito pala ang madadatnan ko? Kinuyom ko ang aking kamao. Huminga ako nang malalim upang pakalmahina ang aking sarili. Pinunasan ko ang mga luha sa aking magkabilang pisngi bago ko tinulak ang pintuan. Mas malakas pa ang ungol ngayon ng dalawa na siyang nakadagdag sa galit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Tinadyakan ko ang pintuan. Gulat namang naghiwalay ang dalawa. "M-Maya!" Namilog ang mga mata ni Riley habang nakatingin sa akin. "M-Maya," tawag din sa akin ng kasama niyang babae. "Mga hayop kayo!" sigaw ko. Hindi ko na makontrol ang aking sarili. Tinalon ko ang kama at agad sinabunutan si Solenn. "Isa kang ahas! Ahas kang malandi ka! Pinsan pa man din kita!" Gigil ko siyang sinabunutan at pinagsasampal. Dahil mas malakas ako sa kaniya wala siyang laban sa akin. "Maya, tama na," utos sa akin ni Riley. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at pilit akong hinihiwalay kay Solenn. Nang mailayo niya ako, sa kaniya naman dumapo ang aking palad. "Hindi ko lubos akalain na ito ang madadatnan ko dito, Riley." Umiling-iling ako. Hilam ang aking mga mata sa luha habang dinuro-duro ko siya. "Taksil ka! Sa lahat ng babae, pinsan ko pa!" Sinampal ko ulit siya. Hinampas ko din ang kaniyang dibdib. Tinanggap niya ang lahat ng mga ito. "Akala ko pa man din tapat ka sa pagmamahalan natin, nagkamali ako sa'yo." "Mahal na mahal kita, Maya," naiiyak na din niyang sambit. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "Mahal?! Mahal?!" Sinuntok ko ang kaniyang dibdib. Umiling-iling ako. "Hindi ka worth it mahalin, Riley. Sinayang ko lang ang isang taon ko sa'yo." Mapait akong ngumiti. "Sana masaya ka, Solenn." Matapang kong nginitian ang pinsan ko na umiiyak sa sulok. "Nakakadiri kayong dalawa." Tumalikod na ako at nagmamadaling bumaba ng hagdanan. "Maya!" sigaw sa akin ni Riley pero hindi ko na siya pinansin pa. "Paano ako?" dinig kong tanong ni Solenn sa kaniya pero wala akong narinig na sagot ni Riley doon. Dinampot ko ang mga gamit ko at dali-dali nang lumabas ng apartment ni Riley. "Maya!" Piniksi ko ang kamay ni Riley. Talagang hinabol pa niya ako. Ang kapal ng mukha niya. May suot na siyang boxer shorts, kaso baliktad. Ang kaniyang damit naman ay nakasampay sa kaniyang balikat. "I can explain," Sabi niya. "Explain? Ano pa ang ipapaliwanag mo, huh?! Kitang-kita ko ang kahalayan niyo, Riley!" Hinila ko ang kamay ko pero mas hinigpitan lang niya ang pagkakahawak dito. "Bitiwan mo ako!" Banta ko sa kaniya. "Mahal kita, Maya. Sorry sa ginawa ko, pero— "Gaano katagal niyo na akong niloloko ni Solenn?" "This is the first time." "Ang ganda ng timing, no?" Pagak akong tumawa. "Kung kailan lumuwas ako. . . akala ko makakapaghintay ka, isang taon na lang naman ang sinabi ko sa'yo, hintayin mo akong mag-twenty, para makapagpakasal na tayo. . . Pero." Umiling-iling ako. "Tapos na tayo." "What?!" "Huwag mo akong ma-what-what, Riley! Diyan ka na. Huwag mo na akong susundan dahil ayaw ko na sa'yo!" Nakita ko sa may pintuan si Solenn kaya muli na namang nadagdagan ang galit ko. Sinampal ko ulit si Riley bago ako tumakbo paalis. Nakarating ako sa may kanto, huminto ako sa tapat ng nakaparadang kulay dilaw na taxi. May pera naman ako kaya mag-taxi na lang muna ako habang iniisip ko kung ano ang gagawin ko dahil nasira naman na ang plano ko. "Kuya, sa Quiapo church po," utos ko sa driver. Hinalungkat ko ang aking bag at nilabas ang aking panyo. "What the hell!" Hindi ko pinansin ang driver. Suminga ako ng malakas sa panyo. "Waaah!" iyak ko nang malakas nang muli kong maalala ang nadatnan kong kaganapan kanina sa pagitan nina Riley at Solenn. "Isang taon, minahal kita ng isang taon, tapos ito ang isusukli mo sa akin?!" Nagsasalita ang driver pero hindi ko siya pinansin. "Lumuwas ako para sa'yo, tapos iyon ang madadatnan ko?!" Sumigaw ako at malakas na umiyak. "Porke ba't ayaw kong ibigay sa'yo ang bataan? Eh, sinabi ko naman sa'yo na hindi pa ako ready. Masakit iyon, e!" "You're crazy..." "Mag-drive ka na lang, huwag mo akong pakialamanan dahil nag-mo-moment ako dito." Grabe huh, ang sosyal naman ng driver na ito, English speaking. "Bumaba ka na sa kotse ko," utos niya. Marunong naman palang mag-tagalog, ini-english pa ako. Akala naman niya hindi ako marunong magsalita ng English. "Ayaw!" tanggi ko. "Dali na, ihatid mo na ako sa Quiapo church! Sabi nila may mga nagtitinda daw doon ng itim na kandila. Ipagtitirik ko ng itim na kandila ang Riley na iyon, kasama na din ang taksil kong pinsan. Mang-aagaw siya! Ahas!" "Ano pa ngayon ang mukha na ihaharap ko sa magulang ko? Naglayas ako sa amin para makasama si Riley pero niloloko pala ako ng walang hiya! Baka Hindi na ako tanggapin ng mga magulang ko kapag umuwi pa ako. Baka isumpa pa nila ako." Muli akong suminga. "Miss, hindi ka ba talaga bababa?" Tila naiinis ng sabi sa akin ng taxi driver. Naiinis naman akong tumingin sa kaniya pero ganoon na lang ang pagkatigil at pagkamangha ko nang masilayan ko ang kaniyang mga mata. "Naka-contact lense ka ba?" tanong ko sa kaniya. Parang kulay abo kasi ang kaniyang mga mata. "Baba!" sigaw niya na kinagulat ko. Akala naman niya masisindak niya ako. "Ayaw ko! Ihatid mo na ako sa Quiapo, kaya naman kitang bayaran, e. May pera ako dito," sabi ko. Pinakita ko pa sa kaniya ang isang litro ng mineral water na puno ng tag-li-limang piso. "Hindi ako taxi driver! At paano mo naisip na taxi ang kotse ko! This is way more expensive than a taxi cab. Kaya nga nitong bumili ng isang taxi company, e." Napanganga ako. Tinignan ko siya. Ang manubela, ang mga umiilaw na aparato sa tabi ng kaniyang manubela. "Hindi ito t-taxi?" "No, kaya bumaba ka na. You're wasting my time here." Ngumuso ako. "Puwede bang ihatid mo na lang ako sa Quiapo? Mayaman ka naman, e. Hindi naman— "No." "Sige na. Magdadasal lang ako. Baka sakaling bigyan ako ni God ng sagot." Nakataas ang isang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Please, Manong!" "Out!" sigaw niya sa akin. Mas lalo pa yata syang nainis. "Saan ba ang punta mo? Puwede bang idaan mo na lang ako sa terminal? Sa kabilang kanto lang iyon, e." "Uuwi na lang siguro ako. Tatanggapin ko na lang ang parusa sa akin ni Tatay." Nakatitig lang siya sa akin. Kunot noo at ilang sandali pa ay pinilig niya ang kaniyang ulo. "Ilang taon ka na?" tanong niya. "Mag-twenty sa susunod na buwan." Tumango siya. "Gusto mo ba ng trabaho?" "Huh?" "Sagot." "Grabe, siya, oh." "Oo naman. Bibigyan mo ba ako ng trabaho?" "Yeah." "Magkano ang sahod? Game ako. Para hindi na ako umuwi sa amin, baka paluin lang ako ni Tatay ng panggatong, masakit pa man din iyon." Napangiwi siya. "Twenty thousand a month," sagot niya na kinanganga ko. "Twenty thousand!" hindi makapaniwalang tanong ko. "Yes. At puwede ba, pakihinaan ang boses mo? Ang sakit sa ear drums." "Okay. Game! Tatanggapin ko ang trabaho." "Good." Ini-start niya ang kaniyang kotse. "Teka, ano palang trabaho?" "Magpanggap ka na girlfriend ko." "Ano?!" "Ayaw ko!" "Akala ko ba gusto mo?" "Nagbago na ang isip ko. Ayaw ko." Akala ko naman kukunin niya akong maging katulong niya. "Bakit, akala ko ba gusto mo ng trabaho? Ayaw mo ng twenty thousand?" "Gusto pero. . . Ano ba ang gagawin bukod sa pagpapanggap na girlfriend mo?" Tinitigan niya ako ng ilang sandali. Napaiwas naman ako ng tingin dahil napagtanto ko na napakaguwapo pala niya, ngayon ko lang kasi siya natitigan ng maayos. Bakit naman niya ako babayaran para lang magpanggap na nobya niya? Wala ba siyang nobya? Sa guwapo niyang iyan? Hindi kaya, bakla siya kaya kailangan niya ng magpapanggap na nobya niya? Pero bakit ako? Tiyak naman na madami diyang mga babaeng puwede pa niyang kunin, iyong maganda, sexy at hindi isang probinsyana na katulad ko. "Gusto mong kumain muna?" tanong niya sa halip. Sakto namang tumunog ang tiyan ko. Tinaasan niya ako ng kilay habang napaiwas naman ako ng tingin. "Sa restaurant na natin pag-usapan." Sana lang hindi ako mapahamak sa nasamahan kong lalake.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
22.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
92.1K
bc

His Obsession

read
99.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
161.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook