Mabigat ang kanyang ulo.. Pakiramdam ni wendy may hang over siya. Daig niya pa ang pinukpok ng martilyo sa kanyang ulo. Aww ang sakit ng ulo ko.. Hang over? Teka uminom ba siya kagabi? Unti unti niya dinilat ang kanyang mata. Nasilaw pa siya dahil sa liwanag ng florescent light sa kisame Pumikit siyang muli. Nagtaka siya dahil nakarinig siya ng sigaw ng isang babae "Honey! Gising na siya!!!" Lalong sumakit ang kanyang ulo. Unti unti siyang dumilat. Pakiramdam niya tuyong tuyo ang kanyang labi. Teka ano tong nasa ilong niya?! Nalaki ang kanyang mga mata dahil may nakapasak sa kanyang ilong na parang dextrose! Doon na unti unti bumalik ang kanyang ala-ala sa nangyari sakanila ni Jared! "J...Jared" mahina ang kanyang boses. Kahit kakagising niya lang parang wala padin siyang