Chapter 19 Maaga palang madami ng trabahong inaasikaso si Wendy. Madaming ipinapagawa sakanya si Jared ngayong araw na ito. Dahil madami din itong tinatapos Kinalimutan muna ni Wendy lahat ng mga problema niya. Ang mahalaga ngayon nakakasama nayayakap at alam niyang siya ang gusto ni Jared. Tumunog ang red telephone kaya naman agad niyang sinagot iyon. Akala niya si Jared ang tumawag "Hello?" "Miss Wendy nandito po yung mga kaibigan niyo. Papasukin ko po ba?" ani lolita "Sinong mga kaibigan?" "Saglit itatanong ko. Hey guys Miss wendy telling me to asking you who are you guys? What kind of friend are you to her?" Napangiti si Wendy dahil heto nanaman si lolita nagtatrying hard nanaman mag english. Baluktot naman ang dila nito Natawa na siya dahil narinig niya ang sagot ni Yoona