VEREX NAGISING ako nang hindi ko makapa sa aking tabi si Lyka. Hindi ako sanay na nauuna siyang magising sa akin. Sa loob ng dalawang taon na pagsasama namin, consistent ako sa pagiging maalaga sa aking pamilya. Kahit ilang buwan na akong nakabalik sa pagiging doctor, palaging sila pa rin ang aking priority. Ako ang gumigising sa umaga para mag-asikaso sa pagpasok ni Pablo at sa pag-aalaga kay Baby Pauline bago ako pumasok sa trabaho. Palagi kong sinisiguro na maayos at nakahanda na ang lahat sa paggising ng aking asawa, kahit may mga katulong naman na kami. Katuwang din namin sa pag-aalaga sa aming mga anak si Auntie Cecil. By the way, dito na pala kami uli nakatira sa Maynila. Dinadalaw na lang namin ang bahay ni Lyka sa Legazpi. Paminsan-minsan ay nagbabakasyon din kami sa bahay nam

