LYKA One month later… NAGISING ako na medyo mataas na ang sikat ng araw nang mapatingin ako sa bintana na bahagyang nakabukas. Si Verex agad ang hinanap ko sa aking tabi. Ngunit nakaramdam ako ng kahungkagan nang hindi ko siya makita. Napasimangot pa ako dahil alam na alam naman niyang siya ang gusto kong makita agad pagkagising ko pa lang. Simula kasi nang maayos naming muli ang aming pagsasama ay dito na siya natutulog sa kuwarto ko kahit siksikan pa nga kaming dalawa. Bibihira na rin siyang umuwi ng Maynila. Iyon ay kapag dinadalaw lang niya si Mama Lucila na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw kayang pakawalan ni Stella. Kagaya ng pangako noon ni Verex, hindi na rin muna siya bumalik sa kaniyang trabaho para matutukan niya ang aming pamilya. Ilang buwan na lang kasi ay matatapos na