FRITZ NAPUTOL ang pagdaloy ng aking alaala nang marinig ko ang busina ng sasakyang dumaan sa kalsada. Ikinurap ko ang aking mga mata at iniwas ang aking tingin mula kay Stella. Hindi ko na magawang tingnan ang mga luha sa kaniyang mga mata. Pinaandar ko na ang sasakyan at mabilis na umalis sa lugar na iyon. Natatakot ako na baka madala na naman ako at madagdagan na naman ang sakit na naramdaman ko sa kaniya noon. Maayos na ang buhay ko at masaya na ako sa piling ni Lyka. Sigurado na ako na siya na ang bagong laman ng puso ko at desidido na ako na pakasalan siya. Ang ano mang nakaraan namin ni Stella ay matagal ko nang ibinaon sa limot. Matagal na siyang kinalimutan ng aking puso. Ayaw ko nang balikan pa ang mga iyon kaya nga hindi ko na sinabi pa kay Lyka ang tungkol sa totoong kaugnay