SINABI ni Anne kay Alfred na bukas na siya lilipat sa ibinigay nitong hotel room kapag nakapagpasa na siya ng resignation letter kay Crisostomo. Gustuhin man niyang bawiin ang desisyon ay hindi na puwede, pagkatapos ng mga nalaman niya kay Alfred. Siguradong sasabihin nito kay Crisostomo ang lahat-lahat. at kahit alam namn ni Anne at ng Diyos na wala siyang kasalanan, wala pa rin siyang laban dahil walang magtatanggol sa kaniya. Sa ngayon, mas okay nang mag-iwasan na lang muna silang dalawa ni Crisostomo kaysa ang kamuhian siya nito nang dahil doon. Tatapusin niya itong kasunduan niya sa ama at saka niya haharapin ang tungkol sa akusasyon sa kaniya. Mabigat pa rin ang loob ni Anne habang naglalakad siya pabalik sa kubo ni Crisostomo dahil hindi mawala sa isip niya ang nakita na pakikipa

