ANNE closed her eyes when Crisostomo aggressively claimed her lips. Her mind wanted to resist him. Pero wala na siyang nagawa kundi ang hayaan na lamang ito sa gusto nitong gawin sa mga oras na iyon. Tutal, aminado naman ang dalaga na pareho lang silang attracted sa isa’t isa. Nagpipigil lang siya dahil natatakot siya na baka kapag tumugon siya, tuluyan na siyang ibuko ng sariling damdamin. Hindi niya alam kung gaano katagal siyang hinalikan ng binata sa paraan na tila nagpaparusa dahil sa kakulitan niya. Basta namalayan na lang niya na unti-unti nang naging masuyo ang galaw ng mga labi nito. And when he kissed her passionately, Anne started to kiss him back. She moved her lips with the same rhythm. “Amore,” bulong nito sa loob ng kaniyang bibig habang naghahalikan sila. Aminado si Ann

