NAGMAMAKTOL na lumabas ng kubo si Anne dahil sa sobrang pagkainis niya kay Crisostomo. Sumalampak siya sa damuhan at saka tumanaw sa malayo. Nanghahaba ang nguso niya. Hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang pamumula ng buong mukha dahil sa pagkapahiya. First nangyari na napahiya siya nang ganoon. “Come on. Huwag ka ngang childish. Parang iyon lang, eh,” boses iyon ni Crisostomo mula sa kaniyang likuran. Ginaya pa talaga nito ang tono ni Anne nang sabihin niya iyon kagabi. “Lahat naman ng tao ay nagfa-fart. It’s normal.” Wala sanang balak si Anne na pansinin ang binata kung hindi lang niya nalanghap ang masarap na pagkaing dala nito nang umupo ito sa tabi niya. Lalo niyang naramdaman ang pagkalam ng sikmura at bigla siyang natakam. Napalunok siya nang ilapag nito iyon sa harapan niya mis

