“TITA ANNE, kayo na po ba ang magiging mommy ko? Ang sabi po kasi ni Daddy Cris, kung sino daw po ang ipapakilala niya sa’kin ay ‘yon na ang magiging mommy ko,” tanong sa kaniya ng anak ni Crisostomo na si Baby Sarina. Three years old pa lang ito kaya nabubulol pa. Pero halatang bibo at madaldal. Ramdam ni Anne ang pag-akyat ng init sa kaniyang buong mukha dahil sa tanong na iyon ng bata. Mabuti na lang at silang dalawa lang ang naroon sa sala. Nagpaalam kasi sandali si Crisostomo na magbibihis lang daw. Ipinaubaya naman nito sa kaniya ang bata. At dahil mahilig naman talaga sa mga bata si Anne, lalo na kapag kasing cute ni Baby Sarina kaya agad siyang pumayag. Katulad kaya nito ang pangarap niyang kapatid. Nangingiting napakamot sa kilay si Anne nang lumuhod siya sa sahig para magpantay

