“CRIS? Ano ang ginagawa mo?” Napahinto sa pagtatangkang pagsira ng doorknob ng pinto ng bahay ni Alfred si Crisostomo at mabilis na napalingon nang marinig niya ang boses ni Ivy. Muntik nang mawala sa isip niya na kapitbahay nga pala ito ng pinsan niya. Unti-unting kumunot ang noo ng ex-fiancee niya nang makita ang malaking bato na hawak niya at balak sana niyang ipukpok sa doorknob. “Oh, my! Sisirain mo ba ang bahay ni Alfred?” Agad niyang itinapon sa malayo ang hawak na bato at nagpatay-malisya. “H-hindi ko kasi siya makontak simula pa kanina. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag ko. Nag-aalala lang ako na baka kung ano na ang nangyari sa kaniya,” palusot ni Crisostomo. Hindi puwedeng malaman ni Ivy na nagkakaganoon siya dahil lang kay Anne. Kahit minsan ay hindi pa siya umakto ng g

