✘Second Adventure

1419 Words
*The new life* Amaya's POV Bakit parang ang lamig ng pakiramdam ko? Bakit parang lumulutang ako? Patay na ba ako? At saka bukod sa pangalan ko bakit wala na akong maalala? Dahan dahan kong minulat ang mata ko at agad nanlamig ang mata ko, huminga ako ng malalim at pagbuga ko ay may namuong konting bula. Inikot lo ang paningin ko sa paligid pero wala akong ibang makita kundi ang mga gamit, ako lang ba tao dito? "Buti naman gising ka na" tiningnan ko kung sino ang nagsalita. Isang babaeng may napaka mahabang buhok at may magandang mukha. Sexy din sya. At. Teka. "Sino ka?" "Ako dapat ang magtanong nyan" tapos lumapit sya sakin at inayos ang nakatusok sa kamay ko. "Ako si Elena. Elena Serene" at nag nod ako "Ikaw?" "Amaya Rei" "Anong surname mo?" Umiling ako "hindi mo alam?" At nag nod ako. "Ang natatandaan ko lang ang pangalan ko" "Kahit noong paano ka napunta dito?" Nag nod naman ako at bumuntong hininga sya "Alam mo mabuti na lang talaga at ako ang nakakita sayo at hindi ang mga black mermaids" "Black mermaids?" "Oo. Sila ang mga mermaids na tumiwalag sa lahi natin, para sa kanila kasi hindi tayo dapat makisali sa tao at hindi tayo dapat nakikihalubilo sa tao. Para sa kanila dapat nila pagharian ang walong palasyo" "Walang palasyo?" "Oo. Ang Gold or central kung nasaan tayo ngayon. Ang blue, green, purple, indigo, yellow, orange and pink." Tapos pinalitan nya ang benda ko sa kamay "Good thing din na ako ang nakakita sayo dahil sa kakaiba ka" Ako kakaiba? Kung sabagay wala akong memorya talaga ngang kakaiba ako sa kanila. "Nakita mo na ba ang buntot mo? Its looks like shinning in the darkness of the moonlight. Kakaiba ang kulay ng buntot mo. Tatlong kulay na kahulugan ng isang prinsesa" "Imposible." "Totoo. Ang mga prinsesa ay mayroong dalawang kulay sa buntot nila hindi gaya sa aming mga normal lang" tapos pinakita nya ang buntot nya "Ang prinsesa ng pink palace ay may pink and silver, sa blue naman blue and silver, green silver para sa green palace, yellow silver para sa yellow palace and so on, depende sa kulay ng palace nila ang kulay ng buntot nila." Hinawi ko ang kumot na nakatakip sa mga buntot ko at napasinghap naman ako sa nakita ko. Totoo tatalong kulay. "Blue, Gold and Silver. This is the first time na magkaroon ng ganitong klaseng kulay na buntot. Baka lapitan ka ng mga prinsesa yun nga lang anim na prinsesa na lang ang lalapit sayo" "Bakit po?" "Dahil sa walong prinsesa ng kaharian, dalawa doon ay pinatay na ng Black Mermaid. Ang prinsesa ng blue ocean at nitong nakaraan lang ay ang prinsesa ng Gold ocean. Pinatay sila parehas ng mga Black Mermaids" tapos tumayo sya at tiningnan ko lang naman sya "Mukha ka namang mapagkakatiwalaan, gusto kitang alagaan kung okay lang sayo." Nag nod naman alo agad, choosy pa ba ako? Hello hindi ko alam kung ano ang mangyayari sakin kung sakali mang hindi ko tanggapin ang offer nya. Pero kung dalawang prinsesa na ang nagmamay ari ng kulay ng buntot ko bakit sakin napunta to? I mean ang natatandaan ko lang naman ay lumalangoy ako sa kadiliman. Blue, Gold and Silver. Ano kayang magiging reaksyon ng lahat? Ayoko maging center of attraction. Bumuntong hininga ako, anong gagawin ko? "Patay na po ba talaga ang nasa blue ocean na prinsesa?" Napatigil sya saglit at saka ngumiti.  "Sabi nila oo pero ang alam ng mga elders nasa lupa ang blue princess" at nag nod naman ako, so hindi pa sya patay buti naman "Your name will be Amaya Rei Serene. Serene is my surname isusunod ko lang para hindi ka mahirapan dito. Hindi kasi talaga pwede basta basta magpapasok sa bayan kapag walang kasamang taga loob" "Salamat ate Elena" napangiti naman ako ng makita kong parang nagningning ang mga mata nya ng tawagin ko syang ate. Tumingin ako sa paligid at nagtaka, sya lang ba ang tao dito? Wala ba syang kasama? "Bakit?" "Ah nagtataka lang ako. Bakit ikaw lang mag isa dito? I mean wala ba ang parents mo?" Ngumiti sya ng mapait. "Pinatay ng mga Black Mermaids ang parents ko at ang nag iisa kong kapatid na babae hindi ko na alam kung buhay pa ba o hindi na" "Sorry" agad kong sani "Okay lang, sanay na naman akong matanong ng mga ganyan lagi halos araw araw na lang kaya okay lang. Although nakakamiss din magkaroon ng pamilya pero wala eh kahit na gaano kahirap kailangan ko pa ring mabuhay" -- I admire her for being brave. Tumingin ako sa labas ng binta ng kwarto ko, pagkatapos kasi naming kumain sabi ni ate na manatili na muna ako sa kwarto ko at hintayin ang pagbabalik nya. May mahalaga daw kasi syang gagawin para sakin, kailangan nya daw na iregister ako as her sister dito sa loob ng Gold Palace. Mula dito sa bintana ng kwarto ko makikita ang katahimikan ng bayan, they really looks like okay, they love this peaceful place. Kahit naman siguro ako. Sa hindi ko malaman na dahilan ay inikot ikot ko ang daliri ko at nakabuo ng isang maliit na ipo ipo, ito na ba ang kapangyarihan ko? Sabi na nga ba isa lang akong normal na mermaid. Natatandaan ko ang sinabi ni ate Elena sakin kanina. "The royal family can freeze or boil the water while the normal mermaid can manipulate it. So totally ang mga royal family kayang gawin ang tatlo." They really are powerful. Huminga ako ng malalim at saka umupo sa kama at tiningnan ang buntot ko. Kung normal lang ako na mermaid bakit ganito ang buntot ko? Napabuntong hininga naman ako. Makatulog na nga lang. "No please don't kill me" "Sorry napag utusan lang" Napabalikwas naman ako ng gising dahil sa panaginip ko. Ano ba yun? Bakit ako nagmamakaawa na wag ako patayin? Dahil sa katok na natanggap ng pinto ko saka ko lang narealize na ang bigat pala ng mga hininga ko at pawis na pawis ako. Napatingin ako sa nagbukas ng pinto at napataas naman ang kilay nya. "Okay ka lang Rei?" Nag nod naman ako bilang sagot. Si ate Elena lang pala "Bakit parang bigat na bigat ang hininga mo at pinagpapawisan ka?" "Nightmare ate" "Ahh!" Tapos ngumiti sya sakin "Halika na handa na ang hapunan kanina pa kita ginigising pero hindi kita magising, siguraduhin mo lang na hindi ako mahihirapan sa paggising sayo sa pagpasok mo" natawa naman ako at umalis na sya. "Sorry hahaha hindi na po" tapos tumayo na rin ako at sumunid kay ate. Pagdating ko sa dining room ay agad naman nya akong pinaupo at napatingin ako sa mga nakahain, wow sarap. Umupo na ko para masabayan si ate sa pagkain. "Okay na nga pala makaregisiter ka na dito sa Gold city so pwede ka nang gumala" pangbabasag ni ate sa katahimikan ng pagkain namin. "Thanks ate. Pero hindi naman po ako gala" "Hindi rin hahaha lalo na ngayon at naenroll na rin kita sa Gold Academy" nakangisi nyang sabi "Huwag lang ako mapapunta doon dahil sa kalokohan mo dahil naku lagot ka sakin" natawa naman ako. "Ate naman mukha ba akong masamang kapatid?" "Oo hahaha" nag pout naman ako. Kung meron mang makakakita sa amin ngayon at hindi alam na wala nang pamilya tong si ate Elena panigurado mapagkakamalan kaming dalawa. Isa pa halos magkahawig kaming dalawa, hindi kaya ako ang kapatid nya? Now, now Amaya Rei kung ano ano ang naiisip mo. Naabno ka na ata. "Hindi ka naman ata mahirap makaalam ng isang lugar di ba?" "Po?" "May sense of direction ka ba?" Pag uulit nya at nag nod ako "Good, good so at least hindi ako mahihirapan sa pagbigay ng instruction sayo kung paano pupunta sa Gold Academy." At nag nod ako. "Maganda po ba doon?" "Sobra. Doon mo matututunan ang lahat ng kailangan mong matutunan sa pagiging mermaid at isa pa baka makatulong din ang mga tao doon na maibalik ang ala ala mo" napanod ako, sounds good to me. "Wala na po bang mga kailangan?" "Kailangan ba kamo? Nabili ko na" natatawa nyang sabi at napailing naman ako "Bakit?" "Di ka naman halatang excited no?" "HIndi ba? Hahaha okay lang yan hindi ko kasi naranasan to. Ang mag alaga ng isang tao na itinuturing mong kapatid." Nakangiti nyang sabi at ngumiti naman ako. -- Pagkatapos kumain ay agad din naman nya ako pinaakyat sa kwarto ko at pinagpahinga, sabi ko ako na lang ang maghuhugas ayaw nya naman. Nakakatuwa dahil liquid tong kinalalagyan namin pero parang hindi. Una dahil hindi naghahalo ang dalawang tubig, yung tubig na ginagalawan namin at tubig na iniinom, pinanghuhugas at pinangliligo namin I mean. This place really a magic, I feel like Im belong here. Humiga ako sa kama at saka tumingin sa kisame ng kwarto ko. Papasok na ko bukas, napatingin naman ako sa uniform na nasa dingding. Its white and gold. White na necktie at white na palda with gold na lining. Wala ng pantaas tutal we're already wearing our clothes, hindi na kasi to natatanggal at napapalitan. Our shell. "Rei?" "Yes ate?" "Matulog ka na" "Opo patulog na po" "Good night, Rei" "Good night, ate Elena"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD