ETERNITY "Phrylle?" ulit kong bigkas sa kanyang pangalan. Kinindatan niya ako, nagulat talaga ako sa bigla niyang pagsulpot sa harapan namin. Hindi ko akalain na sa tagal ng panahon ay magkikita kami rito. "'At sino ka naman para gawin sa akin ito?" Galit na tanong ni Ms. Mika kay Phrylle. "Wala akong balak magpakilala sayo, ito lang tandaan mo huwag na huwag mong saktan ang kaibigan ko, kung ayaw mong manghiram ng mukha sa maligno!" taas kilay na sagot ni Phrylle kay Ms. Mika. "Walang hiya ka wala kang karapatan na saktan ako!" galit na sinugod ni Ms. Mika si Phrylle. Naawat naman ni Phrylle ang tangka nitong saktan siya. "At wala ka ring karapatang saktan si Eternity!" sagot naman ni Phrylle kay Mika. Dahil hindi papayag na hindi makaganti si Mika ay agad niyang dinakma si Phrylle,