ETERNITY Narinig kong tinanong ng ama ni Gomer ang aking ama. Ibig sabihin ay kilala nila ang aking ama talaga. "Medyo ok na po siya sa ngayon, at nagpapagaling pa." sagot ni Gomer sa kanyang ama. "Mabuti kung ganoon." sabi naman ng kanyang Daddy. Kumatok ako ng mahina at sinabi sa kanila na nakahanda na ang pagkain. Nagkunwari akong walang narinig sa kanilang usapan. Sabay na kaming tatlo na naglakad papunta sa nakahain na pagkain. Masaya kaming apat na kumain marami pa ring tanong ang mga magulang ni Gomer, tungkol sa akin. Masaya naman ako dahil tanggap nila ako para kay Gomer. Sinabi rin namin na magbabakasyon kaming dalawa ni Gomer, mas lalong naging masaya naman sila para sa aming dalawa. Hanggang sa matapos kaming kumain ay nag-kuwentuhan muna kami ng kung ano-ano hanggang sa n