ETERNITY "Sige, isang sigaw pa, ihihilamos ko sa pagmumukha mo iyang tubig galing sa bowl!" mariin kong banta kay Xie. "Bitawan mo ako!" pagpupumiglas niya sa akin. "Tandaan mo ang sinabi ko sayo, kapag nalaman ni Gomer na andito, mawawala siya sayo!" mariin ko ulit na sabi kay Xie, habang hawak-hawak ko ang kanyang buhok, Lalu na namang bumalik ang galit ko sa nakita ko kanina. Kung hindi dumating si Xie sa buhay namin ni Gomer noon, sana buo ang pamilya namin at masaya kasama ang aming mga anak, Lalong nagdilim ang aking paningin kay Xie kaya, talagang nilublob ko ang kanyang ulo sa bowl. "Xie! ok lang ba?" tawag ulit ni Gomer na talagang nag-aalala sa haliparot na ito. Binitawan ko ang kanyang buhok, siguro nakaganti na ako sa kanya, Pero hindi pa ito sapat, dahil kapag pinainit na

