ETERNITY "Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong ni Mr. Pyle. "A-Ah..Sir...ibibigay ko lang po sana itong tubig sayo." palusot kong sagot kay Mr. Pyle. "Hindi naman ako humihingi ng tubig sayo ah." sabi niya sa akin. "Eh, baka kasi kaku nauuhaw po kayo." pagpapalusot ko ulit kay Mr. Pyle. "Sigurado ka?" kunot noong tanon niya sa akin. "Opo, Sir." sagot ko sa kanya sabay abot ko ang basong may lamang malamig na tubig. "Hindi ko kailangan iyan, may sarili akong refrigerator sa aking opisina at maraming tubig dito." sabi sa akin ni Mr. Pyle. "Ah, hindi ko po kasi alam sir, na may refrigerator po kayo sa loob." sabi ko kay Mr. Pyle. Malay ko naman talaga kung meron o wala. "Umalis ka na inumin mo na lang iyang dala-dala mong tubig." utos ni Mr. Pyle sa akin. "Sige, Sir, aalis na ak