ETERNITY Hinila niya ako sa isang room. "Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko. "Hindi ka talaga nag-iingat kung hindi kita sinundan tiyak mapapahamak ka." mahinang sabi sa akin ni Mr. Pyle, siya pala ang humila sa akin. "May narinig akong usapan sa loob." sabi ko naman sa kanya. "Kung ano man ang iyong marinig, saiyo na lang muna. Huwag na huwag kang gumawa ng hankabang na wala kang sapat na dbidensya." sabi sa akin ni Mr. Pyle. "Pero kung hindi ako gagalaw ngayon ay baka bumagsak kami lalo." sabi ko kay Mr. Pyle. "Sundin mo ang sinasabi ko sa iyo, kapag sumugod ka na walang dalang bala, ito tandaan mo matatalo ka!" mariin na sabi ni Mr. Pyle sa akin. Hindi ko alam kong susundin ko ba siya or suuswayin hindi ko alam kung kakampi ko ba siya or hindi. Hindi ko na talaga alam kung sino a