ETERNITY Gulat kaming pareho ni Gomer, sa biglang pagsulpot ng kanyang mommy, sa kanyang opisina. Ang nakakahiya pa ay nahuli kaming dalawa. "Ikaw kasi ayan tuloy." paninisi ko kay Gomer. Habang siya ay nakangiti pa. "Tamang-tama talaga timing ni mommy, hindi na ako mahirapan pang sabihin sa kanya." nakangiting sabi ni Gomer sa akin. "At talagang masaya ka pa?" taas kilay kong tanong kay Gomer. "Aba malamang, alam na ni mommy kung sino ang magiging daugther in law niya." mayabang na sagot ni Gomer sa akin. "Ewan ko talaga sayo." pairap kung sabi sa kanya. "Kaya mamaya mag-ready ka na." patuloy pa talagang pang-iinis sa akin ni Gomer. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila, pero parang amg aga naman yata nilang malaman ang tungkol sa amin. Hindi pa nga sure kung talagang maging ok ka