ETERNITY "Gomer, tinatanong kita anong nangyari sa kamay mo?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Wala nadapa lang ako." sagot niya sa akin. "Nadapa, ganyan ang nangyari, huwag ako, Gomer!" galit kong tanong sa kanya. "May isang lasing kagabi, hinarang ang sasakyan ko kaya, bumaba ako at pinagsusuntok ko dahil ayaw umalis sa harapan ng sasakyan ko." mahabang paliwanag ni Gomer sa akin. "Sure?" nakamamaywang kong tanong sa kanya. "Yes, kailan pa ako nagsisinungaling sayo?" sagot niya sa akin na may paglalambing. "Siguraduhin mo lang talaga, dahil sobrang pag-aalala ko sayo kagabi." sabi ko sa kanya. "Opo, Boss." aniya sabay yakap sa akin. "Pumasok ka na." utos ko sa kanya. "Saan ako papasok sayo?" pagbibiro niyang sagot. "Ang ang-aga, Gomer." suway ko sa kanya. "Mas mabuti ngang

