ETERNITY Nagising akong masakit ang ulo ko, kaagad kong tiningnan ang aking katawan, kung may nangyari ba, ang lakas ng kabog ng aking dibdib ng maalala mo ang nangyari kagabi sa aking kalasingan. Mabuti na lang at nakauwi ako ng maayos at walang nangyari sa aking tinitirhan. Unti-unti akong bumangon, sapu-sapo ko ang aking ulo sa sakit dala ng maraming alak akong nainum kagabi. Napatingin ako sa side table ng aking bed, nakita ko ang isang maliit na papel, sulat ito ng lalaking tumulong sa akin kagabi. Binigay nito ang kanyang number at bilang pasasalamat ko raw au gusto niya akong makita mamayang gabi sa bara kung saan kami nagkita. Nilapag ko muna ang ang papel saka ako nagtungo sa banyo para maligo. Pagkatapos kong naligo ay inayos ko muna ang aking ibang gamit huling araw ko at ga