ASH Roses are beautiful, so are you. Chocolates are sweet, just like you. Have a beautiful and sweet morning, Isabelle! Halos mapangiwi ako nang mabasa ang note na bumungad sa 'kin pagkabukas ng locker ko. Kalakip ng note ay ang heart-shaped container ng Ferrero Roucher at tatlong white roses. Kung kay One siguro galing ang mga ito, baka kiligin pa 'ko. But knowing One, he wouldn't write something corny like this. Mas gawain ni Uno ang mambola ng mga babae. Galing kay Tripp Flores ang note and chocolates. Tripp is a second year Accounting student at kilala ring heartthrob sa MEU. Nagkakilala at nagkasama kami sa isang regional competition noong nakaraang buwan lang. Kaming dalawa ang naging representatives ng University para lumaban sa naturang competition. Matalino at mabait siya. Nak