SKYE No one speaks while Uno and I were sitting and eating on the table. Tanging huni ng mga ibon at ang payapang alon ng dagat ang maririnig. Hindi ko rin magawang tumingin sa direksyon niya. Nakatungo lang ako at nakatingin sa plato ko habang kumakain kahit ramdam ko ang mainit niyang titig sa 'kin. At mas nakadagdag pa sa uneasiness ko ang pagtitig niya sa 'kin sa tuwing susubo siya ng pagkain. "Stop murdering your steak. Walang laban 'yan." Natigilan ako. Gaya nga ng sinabi niya, halos madurog na ang steak sa plato ko habang nakatusok ang tinidor ko doon. I lifted my gaze, glaring at him. "Then, stop staring," mariin kong pahayag. His forehead creased, then replied, "I'm eating." "Yeah, I can see that. But, do you have to stare at me while eating?" I asked sarcastically, raising