SKYE "Stop smiling. You really look stupid." Pero ang hudyo, lalo lang lumapad ang ngisi at ipinatong pa ang braso sa ilalim ng baba niya at nag-beautiful eyes habang magkaharap kami sa mesa. Kahit cute siya sa paningin ko, "Mukha kang tanga diyan," sabi ko sabay irap. "Bakit ba? Sa kinikilig ako, eh." I tsked. "I told you before, you'll say my second name without forcing you. And it happened. You're my girl now." Ramdam ko ang muling pag-iinit ng mukha ko nang sabihin na naman niya ang huling pangungusap na iyon. Muli ko ring naalala ang nangyari kung bakit hindi na maalis ang ngisi niya simula pa kanina. "Kien." Ang unang lumingon sa direksyon ko ay ang kausap niyang babae. Ilang segundo ring hindi agad kumilos si Uno. Nang lumingon siya sa 'kin, may nakapaskil nang malapad na ng